24 February 2010

POEM: Trabaho

TRABAHO
by Huggs

Bilanggo ang tingin sa pagkakataong ito
Ako'y gumagamit ng internet ngunit patago
Binabantayan kami ng mga surveilance camera
Ang mahuli daw ay papatawan ng parusa

Magbukas ng Facebook ay di magawa
Makinig ng iPOD ipinagbabawal rin nila
Ano pa bang paghihigpit ang susunod na kabanata
Baka maglayasan ang lahat makita nila

Nakakabato kaya ang walang ginagawa
Ang paulit-ulit na trabaho ay nakakasawa
Gaya rin ng Friendster na dating tambayan
Ngunit ngayon ay kanilang nang iniwan

Hanggang kailan kaya magiging ganito
Maghahanap na ba ng bagong trabaho
Magiging masaya kaya sa lilipatan ko
O ganito rin na parang isang preso.