10 December 2010

POEM: Di Pwede


DI PWEDE
by Huggs

Wag ka ngang habol ng habol sa akin
Ayos lang ba sa iyo na ika'y aking lokohin
wala ako sa mood na magkipaglandian
Kaya't please lang ako'y iyong tantanan

Oks lang sana kung ikaw si Ruby
Na nagpapasaya sa kin sa tuwing makikita kanyang ngiti
Ang problema, ang layo ninyong dalawa
Di ako mahilig sa mukhang aswang at mataba

Weakness ko ang babaeng balbon
Mahaba ang buhok, maliit ang puson
Mahinhin, at may dimple sa pisngi
Yan ang katangiang sa aki'y nagpapangiti

Please lang tantanan mo na ako
Ayokong lumuha ka't ako'y isumpa mo
Mas mainam pang wag mo nang ipilit ang gusto
Pagkat kahit kailan di pwede maging tayo