01 December 2021

POEM: JONA

JONA
by Huggs


Gustong magka-jowa ngunit walang ginagawa
Manliligaw na hinihintay Koreanong mapuputla
Paano makakatagpo eh laging tulala
Bakit di ka sumama lumaboy at tayo'y gumala?

Di na uso mga lalaking may dalang bulaklak
Bitbit mababangong pangako, putak ng putak
Mga sinumpaan sayo'y nakaukit at nakatatak
Bakit ngayon puso mo'y kanya ring winarak

Maganda ka naman ngunit may katangahan
Wag ka na magtanong "Saan ba ako nagkulang?"
Ang relasyon sa pagibig ay pinagtutulungan
Di yan pinaiiral sa tawag ng laman lamang.

Iyong tingnan ang sarili sa salamin
Ano bang kulang, ano bang dapat gawin?
Tangapin ang mali, utak ang gamitin
Maging masaya sa hinaharap ang nakaraan ay limutin.