08 July 2010

POEM: Ang Makata


ANG MAKATA
by Huggs

Ano bang agimat
Ginintuang alamat
Pinamana ni Ama
Ipinapakita sa iba

Mapaglarong isip
Ilan ay panaginip
Tanging isinasalaysay
Makukulay na buhay

Susugatan ang puso
Dumadanak na mga dugo
Pag-ibig na bigo
Lahat nabibilang dito

Tula'y di magwawakas
Ngayon man o bukas
Hangga't may buhay
Bukas palad aming ibibigay


 

02 July 2010

POEM: Dyip


DYIP
by Huggs

Nag-krus ang ating landas ng di sinasadya
Di ko akalain dito pa kita makikita
Sa pupugak-pugak na dyip na sinasakyan
Ang iyong pag-upo di ko namalayan.

Tumabi ka sa akin at mata'y nagtagpo
Tiningnan mo ako mula paa hanggang ulo
Sabay sinabi mong "Huy! Ikaw pala yan"
Dito nagsimula ang ating kwentuhan.

Di nagtagal malapit ka nang bumaba
Iniwan mo iyong numero sa aking bulsa
Sabay sinabi sa akin "ako'y magpapaalam na"
Kailan kaya tayo muling magkakasama?

Dumating na rin ako sa aking patutunguhan
Iyong mukha naglalaro pa rin sa aking isipan
Hinagilap ko ang papel na binigay mo
Ngunit di ko makita, nahulog yata sa sinasakyan ko!

Naiinis ako't di ko makita sa aking bulsa
Nanghinayang ako't bakit ngayon nawala ko pa
Mag-aabang na lamang akong muli kang makasama
Sa dyip na sinasakyan, gabi man o umaga.