18 August 2010

POEM: Lihim


LIHIM
by Huggs

Akala ko noon nakuha ka na niya
Bakit ngayon tila nag-iisa
Maari mo bang sabihin anong kanyang ginawa
At ngayon ay di mo siya kasama?

Matagal na akong may pagtingin sa iyo
Ngunit anong magagawa at torpe ako
Naunahan na nila't sila'y iyong pinansin
Ako naman, heto kasama ng mga dingding

Bumili na ako ng rosas para ipadala sa iyo
Ngunit nagdalawang isip, "itutuloy ko ba ito?"
Kung kaya't itinapon na lang ang napagplanuhan
At ang nakinabang --- ang basurahan

Sayang mga pagkakataon kung iiwan ka lang din niya
Sana ako na lang baka sa akin ikaw'y lumigaya
Aking ipaglalaban ang pag-ibig na sisimulan
At hinding hindi kita iiwanan


 

POEM: Manggagawang Pinoy


MANGGAGAWANG PINOY
by Huggs

Hirap at pawis kanilang puhunan
Makamit lamang ang magandang kinabukasan
Maliit man ang kita sa bawat gawa
Dedikasyon sa trabaho kanilang pinapahalaga

Dumugin man ang bayan ng mga sakuna
Ipagkait man ng kalikasan kanilang mga lupa
Kabuhayan, pilit pa rin kanilang isinasalba
Pinoy na manggagawa, masipag at matiyaga

Di kayang buwagin ang ating lakas
Di lalaon, hirap magwawakas
Ating ipagmamalaki kanilang mga nagawa
Buo ang loob, sa hirap man o ginhawa