EKS
by Huggs
Bakit ka ba nagparamdam muli
Ano bang meron at ano ba ang mali?
Akala ko'y nakita mo na ang sinasabi mong tama
Bakit nandito't ano ba sa akin ipinapaalala?
Alam kong di natapos ang ating relasyon
Ngunit anong magagawa, lumipas na ang kahapon
Nagkamali ka ba ng landas na iyong pinili
At di mo ba nakamit ang pinapangarap mong ngiti?
Sayang, sumuko na itong aking puso
Ayaw nang tumibok tila nadurog na ng todo
Mula nang iniwan mo nawalan na ng gana
Ngayong nagbabalik ka, ayaw na kitang makita.
ahaha! totoo nga yata ito at hindi kathang isip lamang!
ReplyDeletedepende yata sa tao ito..i already made a forum about my "ex"..he,he,he..
ReplyDeletehope nabasa mo na ito kasulit na huggs.. :)