30 March 2011

POEM: Facebook


FACEBOOK
by Huggs

Sa Pader maglalathala
Kung ano ang ginagawa,
Sari-sari mga kataga
Patungkol sa may likha

Halina't punan
Mga reaksyon at komento,
Ipakita sa mga kaibigan
Ang istorya ng buhay mo

Pwede ba magsulat
Ng di ukol sa nakasaad?
Kahit biruan lamang
Sa pahina pwede ba tumambad?

Kung sabihing "ampanget"
Kayo ba'y magagalit?
Buburahin ang nakasulat
Mga salitang mapanlait?

Nakatutuwang mga komento
Mapagpanggap na tao,
Panay salitang mababango
Nakupo lokohan na ito.

Samu't saring komento
Tuwang-tuwa ang loko,
Kapag me nagsabi ng totoo
Nagagalit ang gago.

No comments:

Post a Comment