17 March 2011

POEM: Ganti


GANTI
by Huggs

Sikip ng dibdib
Sugatan ang puso,
Di na makahinga
Kumukulo ang dugo

Di mapigilan
Nakalimot na may Diyos,
Nagdilim ang paningin
Lagim na ang umagos

Nahimasmasan bigla
Dugo ay naglawa,
Tanong sa sarili
"Ako ba ang may sala?"

Dumating mga pulis
Kapitbahay nabulabog,
Nabalita sa radyo't TV
Publiko heto't kinuyog

Kasintaha'y nangaliwa
Kamatayan ba ang parusa,
Di na maagaw ng iba
Ngunit ngayo'y nag-iisa..

No comments:

Post a Comment