PISO
by Huggs
Sa aking paglalakad kay daming mabubuo,
Mga istoryang nagkalat kulang lang ng pasimuno
Alin ba sa kanila aking pagtutuunan
Magagandang istorya ba o ang kaawa-awang lipunan?
Sa bawat pagkurap sari-saring nakikita
Magagarang tanawin, bahay, at disenyong kakaiba
Mga sasakyang naglalakihan at tunay na nakamamangha
Ngunit ang madidilim na sulok di natin nakikita.
Iyong tanawin akala mo ay aso
Nakaratay sa bangketa nanghihingi ng piso
Pangbili daw ng pagkain sa tiyan na kumakalam
Di ka ba magbibigay wala ka bang pakielam?
Alam mong nakaaangat ka pero ika'y nagdaramdam
Baka kung saan dalhin ang pisong ilalaan
Nakita mo na ngang nagmamakaawa sa iyo
Ngunit nilalampasan ang kumakahol na tao.
Ano ba talaga ang silbi nitong piso
Sa mayayaman ay balewala pero dukha ay ginto
Kung ikaw ang dumaan ibabahagi mo ba
O iisipin na ipambibili lang ng droga..
No comments:
Post a Comment