13 November 2012

POEM: Ang Sahod


ANG SAHOD
by Huggs

Kaybilis ng pahanon, sahod na naman
Ngunit ang makukuha sa utang nakalaan
Balewala ang kinitang inaasam
Napupunta lamang sa interes ng mga utang!

Konting tiis tyan na kumakalam
Magdidisyembre na, may bonus na nakalaan
Makatitikim rin ng manok na malinamnam
Mapapawi rin mga gutom na nagdaan.

Makabibili na rin ng mga gamit at regalo
bagong sapatos, mga damit, at iba pang mga luho
Ngunit pagkatapos nun anong kasunod
Balik ulit sa instant maming nakasupot?

No comments:

Post a Comment