19 November 2009

POEM: Dear Crush


DEAR CRUSH
by Huggs

Akala ng iba sila ang tinutukoy ko

Akala nila sila ang sinasabihan dito
Kinikilig kapag kanilang nababasa
Ikaw kaya, nararamdaman mo rin ba?

Wala mang ngalan ang binabanggit ko
Wala man maipakita na iyong litrato
Alam mong ikaw lamang ang tinutukoy ko
Ang crush kong nag-iisa dito sa mundo

Di naman ako makagagawa ng tula
Di rin naman ako isang dalubhasa
Ngunit dahil inspirado ako'y nakagagawa
Hango sa damdamin na siyang may likha


1 comment:

  1. aba naman .. para kanino naman yan??hehehe^^ daan lang cake...hehehe^^

    ReplyDelete