05 January 2010
POEM: Rush Hour
RUSH HOUR
by Huggs
Pinilit iminulat aking mga mata
Pagkat papasok na naman sila sa eskwela
Magbibihis na naman ako ng maaga
Pagkat trapik na naman nito sa kalsada
Di na hihigupin ang mainit na kape
Lalamig na naman ito bago maghating-gabi
Kinabukasan ay mauulit na naman
At almusal sa mesa'y muling iiwanan
Takbo dito, takbo doon
Naghahabol ng oras mula noon hanggang ngayon
Huwag male-late sa akin pagpasok
Kung hindi'y mapupurnada aming mga sahod
Mahirap talaga kapag ikaw ang inaasahan
Kahit may sakit huwag nang mag-alinlangan
Kelangan ito ngayon, tapusin mo dito
Mauubos na yata hetong buhok ko sa ulo
Wala naman akong magagawa
Kundi magtrabaho kesa magngawa
Laging rush talaga hetong aking oras
Sana'y resistensya hindi magwawakas.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment