20 January 2010

POEM: Ayoko Na


AYOKO NA
by Huggs

Ayaw kong aminin na ako'y nagkasala

Isang lumpo at sadyang mahina
Pero pinapakita ang kabaligtaran nito
Ang laging angat, matapang at masayahing tao

Ayoko na, pagod na ako
Tama na, tulungan ninyo ako dito
Pwede ba, ako'y ilayo ninyo
Sa mundo ng kasinungalingan na kinalalagyan ko


POEM: Galit-Galit


GALIT-GALIT
by Huggs

Bakit ganito magkaaway ba tayo?

Anong meron ikaw yata sa akin ay lumalayo
Parang ang bundok na ang layo natin sa isa't isa
Ngunit dati'y parang magkahawak kamay at paa

Pinagbawalan ka ba ng boypren mong seloso
Bakit ano bang mali sa mga ginagawa ko?
Eh hindi naman ako nagsasabi sa iyo ng "I Love You"
Ang kulit talaga, wala naman talaga "tayo"

Alam mo bang nami-miss kita
Maging pagtawag mo ng "abnoi" sa akin sa tuwina
Ang expression mong "ngek" kapag inaasar na kita
Ngayon di ko na marinig sa hapon at umaga

Ayokong tanggapin na magkagalit tayo
Ayoko ring magtampo sa iyong paglayo
Paramdam ka na lang kung maalala mo pa ako
Dito lang ako naghihintay sa iyo


13 January 2010

POEM: Serbisyo


SERBISYO
by Huggs

Dumarami na naman aking kliyente

Tawag dito, tawag doon lampas na bente
Di ko na nga mapahinga hetong katawan
Pagkat PC daw nila ay kailangang kailangan

Pakiramdam ko, yayaman ako sa ganito
Lalo pa siguro kung magtuluy-tuloy ito
Ngunit sa bawat araw mayroong bumabagsak
Aking kalusugan unti-unting nawawarak

Ano nga bang hetong uunahin ko
Ang magpahinga o ang magserbisyo?
Deadline daw nila'y kelangang habulin
Kung kaya't kahit hatinggabi ako'y bubulabugin

Maraming salapi sinong di magagalak
Para saan nga ba at anong magandang balak
Mga pinagpaguran sana ay magkasaysay
At hindi pambili ng gamot at sa ospital nakaratay


12 January 2010

POEM: Pirated


PIRATED
by Huggs

Marahil ang ilan tingin nila'y imposible,

Di ba pwedeng maging makata ang isang pobre
Huwag yurukan ang dangal at maliitin
Pagkat kami ring mga dukha ay may natatago ring galing

Siguro wala man kaming pera tulad ng iba
Marahil di magarang damit inyong nakikita
Ngunit ang aming isip ay isa ring mapanglikha
Ng mga bagay-bagay na di kaya ng iba

Di ako papayag na tawaging pirata
Mga kakaibang tula na aming nagawa
Pwede sigurong kinopya ng iba
At tinaguriang sila raw ang may lathala


05 January 2010

POEM: Rush Hour


RUSH HOUR
by Huggs

Pinilit iminulat aking mga mata

Pagkat papasok na naman sila sa eskwela
Magbibihis na naman ako ng maaga
Pagkat trapik na naman nito sa kalsada

Di na hihigupin ang mainit na kape
Lalamig na naman ito bago maghating-gabi
Kinabukasan ay mauulit na naman
At almusal sa mesa'y muling iiwanan

Takbo dito, takbo doon
Naghahabol ng oras mula noon hanggang ngayon
Huwag male-late sa akin pagpasok
Kung hindi'y mapupurnada aming mga sahod

Mahirap talaga kapag ikaw ang inaasahan
Kahit may sakit huwag nang mag-alinlangan
Kelangan ito ngayon, tapusin mo dito
Mauubos na yata hetong buhok ko sa ulo

Wala naman akong magagawa
Kundi magtrabaho kesa magngawa
Laging rush talaga hetong aking oras
Sana'y resistensya hindi magwawakas.