17 January 2009
POEM: Alipin
ALIPIN
by Huggs
Nag-iisa, nakahiga, walang magawa
Nanlalamig, nakabaluktot, mukhang kaawa-awa
Nakangiti, nangangarap, nag-iisip ng alaala
Aking dalangin ikaw sana’y muling makasama
Mananamlay, natutulala, at saka sisimangot
Aking buhay, sa kalungkutan ngayo’y nababalot
Alak, babae, sugal, ginto at pera
Ang lahat ng ito’y panandaliang ligaya
Titingin sa itaas, kanan, kaliwa at ibaba
Mukha mong kaakit-akit aking nakikita
Pilit ko mang ipikit itong aking mga mata
Ayaw pa rin lubayan ng masasayang alaala
Nag-ikot, naghanap, nag-iisip ng magbubura
Di naman siguro tayo tinakda ng tadhana
Ibinaling na sa iba ang nababakanteng panahon
Ngunit nanaig pa rin ang sigaw ng kahapon
Natatawa, naiiyak, o maiinis ba ako?
Di ko naman ginusto na ako’y magkaganito
Pag-ibig pa kaya ang kahulugan nito
Pagkat puso ko ngayon tila nagdurugo
Siguro kailangan na itong tapusin ngayon
At pigilan na ang pang-aalipin ng kahapon
Upang maipagpatuloy ang natitirang buhay
At ialay sa nagmamahal ng tunay
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment