30 January 2009
POEM: Pagkatao
PAGKATAO
by Huggs
Malayo pa lang sa akin na ang tingin
Tumutulong laway parang ako’y kakainin
Sa mga titig, di malaman ang paraan
Aking pakiramdam ako’y hinuhubaran
Minsan na rin sa dyip may nakatabi
Isang disente at matipunong lalaki
Maya-maya’y humaplos na sa aking likuran
Ako pala’y kanyang nakukursunadahan
Buong katawan biglang nanlambot
Di malaman saan ito aabot
Buti’t naisipan na niyang bumaba
Pagkat ako’y nagmistulang tulala
Lagi na lamang akong napagtitripan
Ano ba’t sa inyo aking kasalanan
Paano nga ba sa inyo malalaman
Upang kayo’y akin nang maiwasan
Sa aking paglalakbay ako’y nagmamasid
Baka sakaling may baklang umaaligid
Inihahanda ang sarili sa muling pag-atake
Ng mga naglalandiang mga dating lalake
Nakatawag pansin habang naglalakad
Dibdib ng babae sa mata’y umaninag
Natulala ang karamihan sa harap tumambad
Ngunit teka ano’t sa amin lumantad…
Isa palang dyosa mula sa kadiliman
Maghahasik ng lagim at kalandian
Mapapahanga ka sa kinis ng katawan
Dinaig pa ang mga kababaihan
Sa sobrang inis isinumpa na sa langit
“Mamatay na kayo” bigkas na may galit
Ayoko nang makasalamuha ng mga tulad mo
Pagkat aking dugo’y sadyang kumukulo
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment