19 November 2009

POEM: Dear Crush


DEAR CRUSH
by Huggs

Akala ng iba sila ang tinutukoy ko

Akala nila sila ang sinasabihan dito
Kinikilig kapag kanilang nababasa
Ikaw kaya, nararamdaman mo rin ba?

Wala mang ngalan ang binabanggit ko
Wala man maipakita na iyong litrato
Alam mong ikaw lamang ang tinutukoy ko
Ang crush kong nag-iisa dito sa mundo

Di naman ako makagagawa ng tula
Di rin naman ako isang dalubhasa
Ngunit dahil inspirado ako'y nakagagawa
Hango sa damdamin na siyang may likha


12 November 2009

POEM: Humanda


HUMANDA
by Huggs

Paano ko ba ito sasabihin ito

Di ko alam anong diskarte ang panimula ko
Aakbayan ba muna kita at saka bubulungan
O luluhuran kita sa iyong harapan

Heto na ako't palapit sa iyo
Heto na't ibubuka ko na ang aking nguso
Huwag magigitla sa sasabihin ko...
PAUTANG NAMAN! Wag ka nang umalma, Holdap ito :P


POEM: Lola


LOLA
by Huggs 


Matigas na ang lahat
Magaspang na pati mga palad
Walang makinis na hitang mailalahad
Uugud-ugod pati sa paglakad

Mahina na kanyang pandinig
Lumalabong mata kahit ititig
Rayumang daing laging mananaig
Kailangan na nila ang iyong bisig

Sa pagkain ngayo'y pihikan
Pagkat "bawal na daw" ang dahilan
Di tulad noong mga nagdaan
Bawat pagkain di tinitigilan




11 November 2009

POEM: Kopya


KOPYA
by Huggs

Ayaw tanggapin mabigong muli

Ayaw mo sa high school na ika’y manatili
Kaya’t kokopya na lamang sa iyong katabi
Ingat na lang at si titser baka ika’y mahuli

Di nagbuwis ng hirap at pagod
Di nagsumikap at hindi kumayod
Nagtapos ng kolehiyo ng walang nalalaman
Iyong buhay ano nang patutunguhan?

Naghanap ng trabaho, mayroong nakita
Ngunit sa pagpasok, sa boss walang maibalita
Wala nang katabi na muling kokopyahan
Sarili nang sikap, wala nang sandalan.


21 October 2009

POEM: Buti Ka Pa


BUTI KA PA
by Huggs

Buti ka pa may sumusulyap sa iyo

Buti ka pa may tumatawag ng “mahal” sa iyo
Buti ka pa may nagreregalo tuwing pasko
Ngunit ako, nag-iisa sa mundo.

Buti pa siya napapangiti ka niya
Buti pa siya labi mo’y nahahagkan niya
Buti pa siya may halik lagi sa kanya
Ngunit ako, hanggang ngayon wala pa ring makitang iba.

Ano bang kalokohan itong naiiisip ko
Di ko maipahiwatig ang sigaw nitong puso
Dahil sa ika’y kanya, at siya’y sa iyo
Na ni minsan hindi na pwedeng maging tayo

Tama na sigurong minahal kita
Kahit di mo alam at di mo nakikita
Isa lamang ang masasabi ko sa iyo…
Buti ka pa, may nagmamahal sa iyo.


09 October 2009

POEM: Ang Pagbabalik


ANG PAGBABALIK
by Huggs

Laking tuwa ng muli kitang makita

Di mo lang alam anong aking ligaya
Gusto ko na ngang sumigaw sa sobrang tuwa
Sa wakas muli na naman kitang makakasama.

Alam kong di mo kayang kalimutan ang lahat
Pagkat dinanas na sakit sa iyong puso’y aking nasasalat
Wala naman tayong magagawa kundi ang bumangon
Sa sakunang idinulot sa atin ng kahapon.

Ituloy na natin mga naputol na sandali
Kalimutan ang mga sakunang puno ng pighati
Balutan ng masayang alala ang lagim na nagdaan
Dalangin sa Diyos, ang lahat ng ito muli nating malampasan.

May bukas pa tayong haharapin
May kahapon pa na dapat baguhin
Mga pagkakamali dapat nating ayusin
Nang di na maulit na danasin ang lagim.


12 September 2009

POEM: KSP (Version 2)


KSP (Version 2)
by Huggs

Mula noon hanggang ngayon

Bakit ganito sadyang panahon
Sa paglubog araw sa dapithapon
Di pa rin pansin hanggang ngayon

Ilang beses na akong nagpaparinig
Paano ba talaga kita mapapaibig
Ilang mensahe pa bang pararatingin
Upang ika'y aking makapiling

Siguro nga'y napapansin mo nga ako
Ngunit mukha na akong tanga para sa'yo
Di mo type ang isang katulad ko
Mga taong makata at isang maginoo


11 September 2009

POEM: Tuwing Pasko


TUWING PASKO
by Huggs

Nalalapit na naman ang araw ng Pasko

Heto na naman magbibigayan ng regalo
Mga dating magkakaaway, muling magbabati
Ngunit pagkatapos magbabalik uli sa dati?

Ano bang meron sa Pasko at kelangang magpakabait
Dahil ba sa regalong hatid sa atin ng langit?
Di ba pwedeng gawing araw-araw mapayapa
At mga nagkakamali ay pinapatawad ng kusa?

Pakitang tao lamang ang ilan sa atin
Bakit di na lang alitan ay palipasin
Ipagpatawad mga nagawang pagkakamali
At magpakumbaba mga matatas sa sarili


POEM: KSP


KSP
by Huggs

Di ko alam kung bakit ginagawa ko ito

Pero ang aking puso'y hindi nagbibiro
Crush na crush talaga kita noon-noon pa
Ngunit ayaw mo lang na akin sa'yo ipadama

Sobrang tanga na nga ako't nagsusulat ng ganito
Di pa ba halatang baliw na baliw sa iyo
Hanggang ngayon ako'y umaasa pa rin
Iyong matamis na "OO" ay mapapasaakin


04 September 2009

POEM: Sulat


SULAT
by Huggs

Dear Crush, makikita mo ba

Mga pinagsusulat na aking nilikha
Malalaman mo ba lihim na pagsinta
Kung di ko man sabihin na ika'y sa akin nagpapaligaya

Di ko alam paano masasambit
Na iyong kagandahan talagang kaakit-akit
Talagang nahulog na ang puso kong ito
Pagkat di ko na mabawi pati ang tulog ko

Ikaw ang laman ng aking isipan
Sigaw ng puso ang iyong pangalan
Ngunit pag kaharap ka di ko mabigkas
Kailan kaya ang pagkatorpe magwawakas?

Dito ko na lang idadaan ang lahat
Ang aking damdamin sa mumunting sulat
Nawa'y iyong matagpuan ang tunay na nilalaman
Di ng sulat na ito bagkus ng pusong nagmamahal


29 August 2009

POEM: Bigo


BIGO
by Huggs

Akala ko'y kay dali ng lahat

Akala ko makukuha ang sapat
Inilatag ko nang lubos aking pakpak
Ngunit ako pa rin pala ay lalagapak

Nasaan nang lahat ng pinaghirapan ko
Di ko akalaing mauuwing ganito
Ang pagkakataon ay hahayaan na lang ba
Kung laging ganito aking napapala


27 August 2009

POEM: YM


YM
by Huggs

Uuwi na ako nasaan ka na?

Ako tuloy ngayo'y nangangamba
Di naman kita dyan nakikita
Nandito ako't naghihintay, nakatunganga

Nag-aalala ako't di ka nagparamdam
Hinihintay ang message mong aking inaasam
Disconnected na ba ako't walang narereceive
Heto't kumakabog na itong aking dibdib

Maghihintay pa rin ako't sana'y dumating
Wag na huwag mo sana akong bibitinin
Sana'y magparamdam at BUZZ iparating
Amang maykapal ako'y iyong dinggin.


26 August 2009

WEBBLOG: Hello BLOGSPOT

I don't know how to start with this but I am studying it by now..

Let me try my shoutbox...




18 August 2009

POEM: Paulit-Ulit


PAULIT-ULIT
by Huggs

Di ko mawari anong aking nagawa

Kung kailan puso’y tumibok saka nawala
Mga pangako sa akin liliparin lang pala
Pag-ibig na inaasam ay pawang pansamantala

Iginuhit na ang bukas na ika’y makakasama
Iniukit sa puso, “ikaw lamang” aking sinta
Ngunit ang lumisan iyo pa ring nagawa
Ika’y naglaho at sumama sa iba

Masasayang panahon ating pinagsaluhan
Sari-saring deliryo ating nang pinagdaanan
Akala ko ang lahat atin nang nalampasan
Ngunit heto ngayon ako pa rin iyong iniwan

Ilang beses na akong nagmahal ng ganito
Paulit-ulit na lamang di pa rin natuto
Sana naman muli akong makatagpo
Ng isang dilag na magmamahal ng totoo


30 January 2009

POEM: Pagkatao


PAGKATAO
by Huggs

Malayo pa lang sa akin na ang tingin

Tumutulong laway parang ako’y kakainin
Sa mga titig, di malaman ang paraan
Aking pakiramdam ako’y hinuhubaran

Minsan na rin sa dyip may nakatabi
Isang disente at matipunong lalaki
Maya-maya’y humaplos na sa aking likuran
Ako pala’y kanyang nakukursunadahan

Buong katawan biglang nanlambot
Di malaman saan ito aabot
Buti’t naisipan na niyang bumaba
Pagkat ako’y nagmistulang tulala

Lagi na lamang akong napagtitripan
Ano ba’t sa inyo aking kasalanan
Paano nga ba sa inyo malalaman
Upang kayo’y akin nang maiwasan

Sa aking paglalakbay ako’y nagmamasid
Baka sakaling may baklang umaaligid
Inihahanda ang sarili sa muling pag-atake
Ng mga naglalandiang mga dating lalake

Nakatawag pansin habang naglalakad
Dibdib ng babae sa mata’y umaninag
Natulala ang karamihan sa harap tumambad
Ngunit teka ano’t sa amin lumantad…

Isa palang dyosa mula sa kadiliman
Maghahasik ng lagim at kalandian
Mapapahanga ka sa kinis ng katawan
Dinaig pa ang mga kababaihan

Sa sobrang inis isinumpa na sa langit
“Mamatay na kayo” bigkas na may galit
Ayoko nang makasalamuha ng mga tulad mo
Pagkat aking dugo’y sadyang kumukulo


17 January 2009

POEM: Alipin


ALIPIN
by Huggs

Nag-iisa, nakahiga, walang magawa

Nanlalamig, nakabaluktot, mukhang kaawa-awa
Nakangiti, nangangarap, nag-iisip ng alaala
Aking dalangin ikaw sana’y muling makasama

Mananamlay, natutulala, at saka sisimangot
Aking buhay, sa kalungkutan ngayo’y nababalot
Alak, babae, sugal, ginto at pera
Ang lahat ng ito’y panandaliang ligaya

Titingin sa itaas, kanan, kaliwa at ibaba
Mukha mong kaakit-akit aking nakikita
Pilit ko mang ipikit itong aking mga mata
Ayaw pa rin lubayan ng masasayang alaala

Nag-ikot, naghanap, nag-iisip ng magbubura
Di naman siguro tayo tinakda ng tadhana
Ibinaling na sa iba ang nababakanteng panahon
Ngunit nanaig pa rin ang sigaw ng kahapon

Natatawa, naiiyak, o maiinis ba ako?
Di ko naman ginusto na ako’y magkaganito
Pag-ibig pa kaya ang kahulugan nito
Pagkat puso ko ngayon tila nagdurugo

Siguro kailangan na itong tapusin ngayon
At pigilan na ang pang-aalipin ng kahapon
Upang maipagpatuloy ang natitirang buhay
At ialay sa nagmamahal ng tunay


POEM: Inspirasyon


INSPIRASYON
by Huggs

Napakalamig ng gabi sana’y katabi

Mahagkan ko man lamang iyong mga labi
Iyong munting larawan sa aki’y nagpapaligaya
Pagkat sa aking isip ika’y laging kasama

Ilang milyon dipa man ang ating layo
Ikaw lamang ang laman nitong aking puso
Kuyugin man ako ng tukso dito sa paligid
Iyong pagmamahal sa puso mananaig

Titiisin ko ang minsan sa iyo’y mawalay
Gagawin ko ito upang makasama ka habambuhay
Hintayin mo lamang ako at muling babalik
Ipagpapatuloy natin ang pagmamahalang nanabik


16 January 2009

OTHERS: Nung Ikaw Ay Bata, Nagawa Mo Ba To?

*kumakain ka ba ng aratilis?

*nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tanggkay ng walis tingting?

*pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagan maglaro pag di ka natulog?

*marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?

Nintendo FamiCom - malupit ka pag meron kang Atari, Family Computer or NES?
*alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left, right, left, right, a, b, a, b, start?

*may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, Cross Colors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?

Classic Cartoons: Cedie, Ghostbuster, Transformers, He-man, Voltes V
*addict ka sa Rainbow Brite, Carebears, My Little Pony, Thundercats, Bioman, Voltes V, Mazinger Z, Daimos, He-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?

Vintage Japanese Superheroes: Ultraman, Shaider, Magmaman, Mask Rider Black
*nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?

*marunong ka mag wordstar at nakahawak ka na talaga ng 5.25 na floppy disk?

*inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodjie at ate sienna…

*nung high school ka inaabangan mo lagi beverly hills 90210?

*gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?

*meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung
lalake ka?

*nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang
malaman mo kung sino ang crush ng type mo?

Batibot: Manang Bola and Irma Daldal
*kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?

*alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?

The 80s TV Hits: MacGyver and Knight Rider
*idol mo si McGyver at nanonood kang perfect strangers?

*eto malupet… six digits! lang ba ang phone number nyo dati?

*nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?

*cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na “eh kasi bata”?

*inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?

*meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?

*noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?

*alam mo lyrics ng “tinapang bangus” at “alagang-alaga namin si puti”?

*alam mo ang kantang “gloria labandera”.. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang “1, 2, 3, asawa ni marie”… hehehehehe?

Childhood Toys: GI Joe, Teenage Mutant Ninja Turtles, Lego
*sosyal ka pag may play-doh ka at Lego… at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba pa ang mukha ni barbie noon?

*inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?

*lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong… diba naninipit yun?

*alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty… and syempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?

*meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?

*laging lampin ang sinasapin sa likod mo pag pinapawisan ka?

*bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubble gum… tira-tira, at yung kending bilog na
sinawsaw sa asukal?

*kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa… at sanay ka tawagin ang porno as BOLD?

*takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARS OLD…
KAPAG HALOS LAHAT LAM MO, NASA 33-35 KA…
WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG…